Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:28
وَإِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً قَالُوا وَجَدْنَا عَلَيْهَا آبَاءَنَا وَاللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Kapag nakagawa sila ng isang malaswa ay magsasabi sila: "Natagpuan namin sa gayon ang mga magulang namin at si Allāh ay nag-utos sa amin niyon." Sabihin mo: "Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng kalaswaan; nagsasabi ba kayo laban kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?"
Tafsir
Kapag nakagawa ang mga tagapagtambal ng isang bagay na malubha ang kasamaan gaya ng shirk, pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah habang mga nakahubad, at iba pa sa mga ito, nagdadahi-dahilan sila na sila ay nakatagpo sa mga magulang nila na gumagawa niyon at na si Allāh ay nag-utos sa kanila niyon." Sabihin mo, O Muḥammad, bilang tugon sa kanila: "Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng mga pagsuway, bagkus sumasaway Siya ng mga ito. Kaya papaano kayong nag-aangkin niyon laban sa Kanya? Nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal, hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman bilang kasinungalingan at paggawa-gawa?"
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah