Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:26
يَا بَنِي آدَمَ قَدْ أَنْزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًا يُوَارِي سَوْآتِكُمْ وَرِيشًا ۖ وَلِبَاسُ التَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ
O mga anak ni Adan, nagbaba nga Kami sa inyo ng isang kasuutan na magbabalot sa kahubaran ninyo at bilang isang gayak, ngunit ang kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, iyon ay higit na mabuti. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, nang sa gayon sila ay mag-aalaala.
Tafsir
O mga anak ni Adan, gumawa nga Kami para sa inyo ng kasuutang kinakailangan para sa pagtatakip sa mga kahubaran ninyo. Gumawa Kami para sa inyo ng kasuutang panggayak na ipinapampaganda ninyo sa mga tao, ngunit ang kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, na siyang pagsunod sa ipinag-utos ni Allāh at pag-iwas sa sinaway Niya, ay higit na mabuti kaysa sa kasuutang pisikal na ito. Ang nabanggit na iyon kabilang sa kasuutan ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa mga biyaya Niya sa inyo saka magpapasalamat sa mga ito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah