Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:25
قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ
Nagsabi Siya: "Sa loob niyon kayo mabubuhay, sa loob niyon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ilalabas.
Tafsir
Nagsabi si Allāh habang kumakausap kina Adan, Eva, at sa mga supling nilang dalawa: "Sa lupang ito mabubuhay kayo sa yugtong itinakda ni Allāh para sa inyo mula sa mga taning, sa loob niyon mamamatay kayo at ililibing kayo, at mula sa mga puntod ninyo ilalabas kayo para sa muling pagbubuhay.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah