Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:42

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا إِلَىٰ أُمَمٍ مِنْ قَبْلِكَ فَأَخَذْنَاهُمْ بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَتَضَرَّعُونَ

Talaga ngang nagsugo Kami sa mga kalipunang nauna sa iyo at nagpataw Kami sa kanila ng karalitaan at karamdaman nang sa gayon sila ay magpapakumbaba.

Tafsir

Talaga ngang nagpadala Kami sa mga kalipunan bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo ngunit nagpasinungaling sila sa mga ito at umayaw sila sa inihatid ng mga ito sa kanila kaya nagparusa Siya sa kanila ng mga sigalot gaya ng karalitaan at ng nakapipinsala sa mga katawan nila gaya ng karamdaman upang magpasailalim sila sa Panginoon nila at magpakaaba sa Kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah