Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:43
فَلَوْلَا إِذْ جَاءَهُمْ بَأْسُنَا تَضَرَّعُوا وَلَٰكِنْ قَسَتْ قُلُوبُهُمْ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Ngunit bakit hindi - noong dumating sa kanila ang parusa Namin - sila nagpakumbaba bagkus tumigas ang mga puso nila at ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang ginagawa nila noon.
Tafsir
Kung sakaling sila, nang dumating sa kanila ang pagsubok ni Allāh, ay nagpakaaba sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya, talaga sanang pinawi Niya sa kanila ang pagsubok at talaga sanang kinaawaan Niya sila. Subalit sila ay hindi gumawa niyon, bagkus tumigas ang mga puso nila kaya hindi sila nagsaalang-alang at hindi sila napangaralan. Pinaganda sa kanila ng demonyo ang dati nilang nagagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kaya nagpatuloy sila sa dating lagay nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah