Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:41

بَلْ إِيَّاهُ تَدْعُونَ فَيَكْشِفُ مَا تَدْعُونَ إِلَيْهِ إِنْ شَاءَ وَتَنْسَوْنَ مَا تُشْرِكُونَ

Bagkus sa Kanya kayo dadalangin at papawiin Niya ang idinadalangin ninyo sa Kanya kung niloob Niya at kakalimutan ninyo ang itinatambal ninyo.

Tafsir

Ang totoo ay na kayo ay hindi dadalangin sa sandaling iyon sa iba pa kay Allāh na lumikha sa inyo para magbaling Siya palayo sa inyo ng kasawian at mag-alis Siya sa inyo ng pinsala kung niloob Niya sapagkat Siya ay ang karapat-dapat doon at ang nakakakaya niyon. Hinggil naman sa mga sinasamba ninyo na itinambal ninyo kasama kay Allāh, mag-iiwan kayo ng mga ito dahil sa pagkakaalam ninyo na ang mga ito ay hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah