Surah 6 · Juz 8
Al-An'am · 6:147
فَإِنْ كَذَّبُوكَ فَقُلْ رَبُّكُمْ ذُو رَحْمَةٍ وَاسِعَةٍ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُهُ عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ
Kaya kung pinasinungalingan ka nila ay sabihin mo: "Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak, at hindi binabawi ang parusa Niya buhat sa mga taong salarin."
Tafsir
Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo, O Sugo, at hindi nagpatotoo sa inihatid mo mula sa Panginoon mo ay sabihin mo bilang pag-uudyok sa kanila: "Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak. Bahagi ng awa Niya sa inyo ay ang pagpapalugit Niya sa inyo at ang hindi pagmamadali Niya sa inyo sa pagdurusa." Sabihin mo pa sa kanila bilang pagbabala sa kanila: "Tunay na ang parusa Niya ay hindi nabawi buhat sa mga taong gumagawa ng mga pagsuway at mga kasalanan."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah