Surah 6 · Juz 8

Al-An'am · 6:148

سَيَقُولُ الَّذِينَ أَشْرَكُوا لَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكْنَا وَلَا آبَاؤُنَا وَلَا حَرَّمْنَا مِنْ شَيْءٍ ۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ حَتَّىٰ ذَاقُوا بَأْسَنَا ۗ قُلْ هَلْ عِنْدَكُمْ مِنْ عِلْمٍ فَتُخْرِجُوهُ لَنَا ۖ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ أَنْتُمْ إِلَّا تَخْرُصُونَ

Magsasabi ang mga nagtambal: "Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana kami nagtambal ni ang mga ninuno namin, at hindi sana kami nagbawal ng anuman." Ganoon din nagpasinungaling ang mga nauna sa kanila hanggang sa malasap nila ang kaparusahan Namin. Sabihin mo: "Mayroon ba kayong kaalaman para ilabas ninyo sa Amin? Wala kayong sinusunod kundi ang akala at wala kayong [ginagawa] kundi nagpapabula.

Tafsir

Magsasabi ang mga tagapagtambal habang mga nangangatwiran ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sa katumpakan ng pagtatambal nila kay Allāh: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magtambal mismo ni ang mga magulang namin ay talaga sanang hindi kami nagtambal sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magbawal ng ipinagbawal namin sa mga sarili namin ay talaga sanang hindi kami nagbawal niyon." Sa pamamagitan ng tulad ng katwiran nilang napabubulaanan, nagpasinungaling ang mga nauna pa sa kanila sa mga sugo ng mga iyon, na mga nagsasabi: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magpasinungaling sa kanila ay talaga sanang hindi kami nagpasinungaling sa kanila." Nagpatuloy sila sa pagpapasinungaling na ito hanggang sa lumasap sila ng parusa Namin na pinababa Namin sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Mayroon kaya sa ganang inyo na isang patunay na nagpapatunay na si Allāh ay nalugod sa inyo na magtambal kayo sa Kanya at na magpahintulot kayo ng ipinagbawal Niya at magbawal kayo ng ipinahintulot Niya? Ang payak na pagkaganap niyon mula sa inyo ay hindi isang patunay sa pagkalugod Niya sa inyo. Tunay na kayo ay walang sinusunod kaugnay roon kundi ang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi naipapalit sa katotohanan sa anuman. Kayo ay walang [ginagawa] malibang nagpapasinungaling."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah