Surah 6 · Juz 8

Al-An'am · 6:146

وَعَلَى الَّذِينَ هَادُوا حَرَّمْنَا كُلَّ ذِي ظُفُرٍ ۖ وَمِنَ الْبَقَرِ وَالْغَنَمِ حَرَّمْنَا عَلَيْهِمْ شُحُومَهُمَا إِلَّا مَا حَمَلَتْ ظُهُورُهُمَا أَوِ الْحَوَايَا أَوْ مَا اخْتَلَطَ بِعَظْمٍ ۚ ذَٰلِكَ جَزَيْنَاهُمْ بِبَغْيِهِمْ ۖ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ

Sa mga nagpakahudyo ay ipinagbawal Namin ang bawat may mga buong kuko, at mula sa mga baka at mga tupa ay ipinagbawal Namin sa kanila ang mga taba ng dalawang [uring] ito maliban sa kinapitan ng mga ibabaw ng dalawang [uring] ito o ng mga bituka nito o ng nahalo sa buto. Iyon ay iginanti Namin sa kanila dahil sa paglabag nila. Tunay na Kami ay talagang tapat.

Tafsir

Nagbawal Kami sa mga hudyo ng anumang hindi nagkakahiwa-hiwalay ang mga daliri gaya ng mga kamelyo at mga ostrits. Nagbawal Kami sa kanila ng mga taba ng mga baka at mga tupa maliban sa kumapit sa mga likod ng dalawang uring ito o nadala ng mga bituka o nahalo sa buto gaya ng pigi at tagiliran. Gumanti nga Kami sa kanila dahil sa kawalang-katarungan nila sa pagbabawal niyon sa kanilang sarili. Tunay na Kami ay talagang Tapat sa bawat ipinababatid Namin.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah