Surah 47 · Juz 26
Muhammad · 47:21
طَاعَةٌ وَقَوْلٌ مَعْرُوفٌ ۚ فَإِذَا عَزَمَ الْأَمْرُ فَلَوْ صَدَقُوا اللَّهَ لَكَانَ خَيْرًا لَهُمْ
pagtalima at pagsasabing nakabubuti. Kaya kapag napagpasyahan ang utos at kung sakaling nagpakatotoo sila kay Allāh, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila.
Tafsir
Ang tumalima sila sa utos ni Allāh at ang magsabi sila ng isang sinasabing nakabubuti, na walang masama rito, ay higit na mabuti para sa kanila. Kaya kapag naisatungkulin ang pakikipaglaban at nagseryoso saka kung sakaling nagpakatotoo sila kay Allāh sa pananampalataya nila sa Kanya at pagtalima nila sa Kanya, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila kaysa sa pagpapaimbabaw at pagsuway sa mga utos ni Allāh.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah