Surah 47 · Juz 26
Muhammad · 47:22
فَهَلْ عَسَيْتُمْ إِنْ تَوَلَّيْتُمْ أَنْ تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ وَتُقَطِّعُوا أَرْحَامَكُمْ
Kaya kayo ba, kung tumalikod kayo, ay marahil manggulo sa lupa at magputul-putol sa mga ugnayang pangkaanak ninyo?
Tafsir
Nananaig sa kalagayan ninyo kung umayaw kayo sa pananampalataya kay Allāh at pagtalima sa Kanya na kayo ay manggugulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at magpuputul-putol sa mga bigkis ng pagkakamag-anak gaya ng kalagayan ninyo dati sa Panahon ng Kamangmangan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah