Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:20

وَيَقُولُ الَّذِينَ آمَنُوا لَوْلَا نُزِّلَتْ سُورَةٌ ۖ فَإِذَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ مُحْكَمَةٌ وَذُكِرَ فِيهَا الْقِتَالُ ۙ رَأَيْتَ الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ نَظَرَ الْمَغْشِيِّ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِ ۖ فَأَوْلَىٰ لَهُمْ

Nagsasabi ang mga sumampalataya:"Bakit hindi nagpababa ng isang kabanata?"Ngunit nang may ibinabang isang kabanatang tahas at binanggit dito ang pakikipaglaban, makikita mo ang mga sa mga puso nila ay may sakit na tumitingin sa iyo ng pagtingin ng hinimatay dahil sa [takot sa] kamatayan.Kaya higit na nararapat para sa kanila.

Tafsir

Nagsasabi ang mga sumampalataya kay Allāh habang mga nagmimithi na magbaba si Allāh sa Sugo Niya ng isang kabanatang naglalaman ng kahatulan ng pakikipaglaban: "Bakit kaya hindi nagpababa si Allāh ng isang kabanata na naroon ang pagbanggit ng pakikipaglaban?" Ngunit nang nagpababa si Allāh ng isang kabanatang tinahas sa paglilinaw nito at mga patakaran nito, na naglalaman ng pagbanggit ng pakikipaglaban, makikita mo, O Sugo, ang mga sa mga puso nila ay may pagdududa kabilang sa mga mapagpaimbabaw na tumitingin sa iyo ng pagtingin ng hinimatay dahil sa tindi ng pangamba at pangingilabot sapagkat nagbanta sa kanila si Allāh na ang pagdurusa nila ay sumunod na sa kanila at nalapit na sa kanila dahilan sa pag-urong sa pakikipaglaban at pangamba rito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah