Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:29

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا رَبَّنَا أَرِنَا اللَّذَيْنِ أَضَلَّانَا مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ نَجْعَلْهُمَا تَحْتَ أَقْدَامِنَا لِيَكُونَا مِنَ الْأَسْفَلِينَ

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagpaligaw sa amin kabilang sa jinn at tao, maglalagay kami sa kanilang dalawa sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa."

Tafsir

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya: "Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagpaligaw sa amin kabilang sa jinn at tao: si Satanas na nagsakalakaran ng kawalang-pananampalataya at pag-aanyaya tungo rito at ang anak ni Adan na nagsakalakaran ng pagpapadanak ng mga dugo, ilalagay namin silang dalawa ng apoy sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa, na sila ay ang pinakamatindi sa mga maninirahan sa Apoy sa pagdurusa."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah