Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:28

ذَٰلِكَ جَزَاءُ أَعْدَاءِ اللَّهِ النَّارُ ۖ لَهُمْ فِيهَا دَارُ الْخُلْدِ ۖ جَزَاءً بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ

Iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ang tahanan ng kawalang-hanggan bilang isang ganti dahil sila dati ay sa mga tanda Namin nagkakaila.

Tafsir

Ang ganting nabanggit na iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh na mga tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ay kawalang-hanggan na hindi napuputol magpakailanman bilang ganti sa pagkakaila nila sa mga tanda ni Allāh at kawalan ng pananampalataya nila sa mga ito sa kabila ng kaliwanagan ng mga ito at lakas ng katwiran ng mga ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah