Surah 41 · Juz 24
Fussilat · 41:30
إِنَّ الَّذِينَ قَالُوا رَبُّنَا اللَّهُ ثُمَّ اسْتَقَامُوا تَتَنَزَّلُ عَلَيْهِمُ الْمَلَائِكَةُ أَلَّا تَخَافُوا وَلَا تَحْزَنُوا وَأَبْشِرُوا بِالْجَنَّةِ الَّتِي كُنْتُمْ تُوعَدُونَ
Tunay na ang mga nagsabi: "Si Allāh ay ang Panginoon namin," pagkatapos ay nagpakatuwid, ay magsisibabaan sa kanila ang mga anghel na [mga magsasabi]: "Huwag kayong mangamba, huwag kayong malungkot, at magalak kayo sa Paraiso na sa inyo noon ay ipinangangako.
Tafsir
Tunay na ang mga nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh; walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya," at nagpakatuwid sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, magbababaan sa kanila ang mga anghel sa sandali ng paghihingalo nila, na mga magsasabi sa kanila: "Huwag kayong mangamba sa kamatayan ni sa anuman matapos nito. Huwag kayong malungkot sa anuman naiwanan ninyo sa Mundo. Magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako sa Mundo dahil sa pananampalataya ninyo kay Allāh at gawa ninyong maayos.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah