Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:76
فَلَا يَحْزُنْكَ قَوْلُهُمْ ۘ إِنَّا نَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ
Kaya huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila. Tunay na Kami ay nakaaalam sa inililihim nila at inihahayag nila.
Tafsir
Kaya huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang sabi nilang tunay na ikaw ay hindi isinugo o tunay na ikaw ay manunula, at iba pa roon kabilang sa paninirang-puri nila. Tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang ikinukubli nila mula roon at anumang inilalantad nila. Walang nakakukubli sa Amin mula roon na anuman at gaganti Kami sa kanila roon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah