Surah 36 · Juz 23

Ya-Sin · 36:77

أَوَلَمْ يَرَ الْإِنْسَانُ أَنَّا خَلَقْنَاهُ مِنْ نُطْفَةٍ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٌ مُبِينٌ

Hindi ba nakaalam ang tao na Kami ay lumikha sa kanya mula sa isang patak, at biglang siya ay isang kaalitang malinaw.

Tafsir

Hindi ba nag-iisip ang taong nagkakaila sa pagkabuhay na muli matapos ng kamatayan na Kami ay lumikha sa kanya mula sa punlay? Pagkatapos dumaan siya sa mga yugto hanggang sa ipinanganak at inaruga. Pagkatapos siya ay naging madalas sa pakikipag-alitan at pakikipagtalo. Hindi ba siya nakaalam niyon upang makapaghinuha siya sa pamamagitan nito sa posibilidad ng pagkaganap ng pagkabuhay na muli?

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah