Surah 36 · Juz 23

Ya-Sin · 36:75

لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَهُمْ وَهُمْ لَهُمْ جُنْدٌ مُحْضَرُونَ

Hindi nakakakaya ang mga ito sa pag-adya sa kanila samantalang sila para sa mga ito ay mga kawal na padadaluhin.

Tafsir

Ang mga diyos na iyon na ginawa nila ay hindi nakakakaya ng pag-aadya sa mga sarili ng mga ito ni sa pag-aadya sa mga sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh. Sila at ang mga anito nila ay magkasamang padadaluhin sa pagdurusa habang nagpapawalang-kaugnayan ang bawat isa sa kanila sa iba.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah