Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:43
فَأَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ الْقَيِّمِ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا مَرَدَّ لَهُ مِنَ اللَّهِ ۖ يَوْمَئِذٍ يَصَّدَّعُونَ
Magpanatili ka ng mukha mo para sa relihiyong matuwid bago paman na may pumuntang isang araw na hindi maitutulak mula kay Allāh. Sa Araw na iyon, magkakawatak-watak sila.
Tafsir
Kaya magpanatili ka, O Sugo, ng mukha mo para sa relihiyong Islām na tuwid, na walang kabaluktutan dito, bago pa dumating ang Araw ng Pagbangon, na kapag dumating iyon ay wala nang makapagtutulak doon. Sa Araw na iyon, magkakahati-hati ang mga tao: may isang pangkat sa Paraiso, na mga pinagtatamasa; at may isang pangkat sa Apoy, na mga pinagdurusa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah