Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:44

مَنْ كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُ ۖ وَمَنْ عَمِلَ صَالِحًا فَلِأَنْفُسِهِمْ يَمْهَدُونَ

Ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Ang mga gumawa ng matuwid ay para sa sarili nila naghahanda

Tafsir

Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh, ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya – ang pamamalagi sa Apoy – ay manunumbalik laban sa kanya. Ang sinumang gumawa ng gawang maayos habang naghahangad ng [kaluguran ng] mukha ni Allāh ay para sa [kapakanan ng] sarili niya. Maghahanda sila sa pagpasok sa Paraiso at pagtatamasa sa anumang naroon bilang mamamalagi roon magpakailanman.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah