Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:42
قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلُ ۚ كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُشْرِكِينَ
Sabihin mo: "Humayo kayo sa lupain at magmasid kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga kabilang sa nauna. Ang higit na marami sa kanila noon ay mga tagapagtambal."
Tafsir
Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal na ito: "Humayo kayo sa lupain saka magnilay-nilay kayo kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling bago pa ninyo? Iyon noon ay isang kinahinatnang masagwa. Ang karamihan sa kanila noon ay mga tagapagtambal kay Allāh, na sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya kaya ipinahamak sila dahilan sa pagtatambal nila kay Allāh."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah