Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:41
ظَهَرَ الْفَسَادُ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ بِمَا كَسَبَتْ أَيْدِي النَّاسِ لِيُذِيقَهُمْ بَعْضَ الَّذِي عَمِلُوا لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
Lumitaw ang kaguluhan sa kalupaan at karagatan dahil sa nakamit ng mga kamay ng mga tao upang magpalasap Siya sa kanila ng ilan sa ginawa nila nang sa gayon sila ay magbabalik.
____________________
Lumitaw ang katiwalian sa kalupaan...
____________________
Lumitaw ang katiwalian sa kalupaan...
Tafsir
Lumitaw ang kaguluhan sa lupa at dagat gaya ng tagtuyot, kakauntian ng mga ulan, at karamihan ng mga sakit at mga epidemya dahilan sa ginawa nila na mga pagsuway. Lumitaw iyon upang magpalasap sa kanila si Allāh ng ganti sa ilan sa mga gawain nilang masagwa sa buhay na pangmundo, sa pag-asa na bumalik sila sa Kanya sa pagbabalik-loob.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah