Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:40
اللَّهُ الَّذِي خَلَقَكُمْ ثُمَّ رَزَقَكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ۖ هَلْ مِنْ شُرَكَائِكُمْ مَنْ يَفْعَلُ مِنْ ذَٰلِكُمْ مِنْ شَيْءٍ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Si Allāh ay ang lumikha sa inyo, pagkatapos ay nagtustos sa inyo, pagkatapos ay nagbigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos ay nagbigay-buhay sa inyo. Mayroon ba sa mga katambal ninyo na gumagawa ng gayon na anuman? Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila.
Tafsir
Si Allāh lamang sa inyo, pagkatapos sa pagbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos sa pagbibigay-buhay sa inyo para sa pagkabuhay na muli. Mayroon kaya sa mga diyus-diyusan ninyo na sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya na gumagawa ng anuman kabilang doon? Pagkasakdal-sakdal Siya – kaluwalhatian sa Kanya – at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang sinasabi at pinaniniwalaan ng mga tagapagtambal.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah