Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:32

مِنَ الَّذِينَ فَرَّقُوا دِينَهُمْ وَكَانُوا شِيَعًا ۖ كُلُّ حِزْبٍ بِمَا لَدَيْهِمْ فَرِحُونَ

na kabilang sa mga naghati-hati sa relihiyon nila at sila ay naging mga kampihan. Bawat lapian sa taglay nila ay mga natutuwa.

Tafsir

Huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal na nagpalit ng relihiyon nila, sumampalataya sa bahagi nito, at tumangging sumampalataya sa ibang bahagi nito. Sila ay naging mga pangkatin at mga lapian. Bawat lapian kabilang sa kanila, sa taglay nilang kabulaanan, ay mga nagagalak. Nagtuturing sila na sila lamang ay nasa katotohanan at na ang iba pa sa kanila ay nasa kabulaanan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah