Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:31
۞ مُنِيبِينَ إِلَيْهِ وَاتَّقُوهُ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَلَا تَكُونُوا مِنَ الْمُشْرِكِينَ
[Maging] mga nagsisisi sa Kanya, mangilag kayong magkasala sa Kanya, magpanatili kayo ng pagdarasal, at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal,
Tafsir
Bumalik kayo sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala ninyo, mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, lumubos kayo sa pagdarasal sa pinakaganap na paraan, at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal na sumasalungat sa kalikasan ng pagkalalang saka nagtatambal kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagsamba nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah