Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:30

فَأَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفًا ۚ فِطْرَتَ اللَّهِ الَّتِي فَطَرَ النَّاسَ عَلَيْهَا ۚ لَا تَبْدِيلَ لِخَلْقِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ الدِّينُ الْقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ

Kaya magpanatili ka sa mukha mo sa Relihiyon bilang isang makatotoo. [Mamalagi sa] kalikasan ng pagkalalang ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.

Tafsir

Kaya humarap ka, O Sugo, ikaw at ang sinumang kasama sa iyo sa Relihiyon na nagpaharap sa iyo si Allāh doon, habang kumikiling palayo sa lahat ng mga relihiyon patungo roon, ang Relihiyong Islām na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong tuwid na walang kabaluktutan doon, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam na ang Relihiyong totoo ay ang Relihiyong ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah