Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:29

بَلِ اتَّبَعَ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَهْوَاءَهُمْ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۖ فَمَنْ يَهْدِي مَنْ أَضَلَّ اللَّهُ ۖ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ

Bagkus sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa mga pithaya nila nang walang kaalaman. Kaya sino ang papatnubay sa pinaligaw ni Allāh? Walang ukol sa kanila na anumang mga tagaadya.

Tafsir

Ang kadahilanan ng pagkaligaw nila ay hindi kakulangan sa mga patunay ni kawalan ng paglilinaw sa mga ito. Ito lamang ay ang pagsunod sa pithaya at ang paggaya-gaya sa mga magulang nila dala ng isang kamangmangan mula sa kanila sa karapatan ni Allāh. Kaya sino ang magtutuon sa kapatnubayan sa sinumang iniligaw ni Allāh? Walang isang makapagtutuon sa kanya. Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya na magtutulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah