Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:33
وَإِذَا مَسَّ النَّاسَ ضُرٌّ دَعَوْا رَبَّهُمْ مُنِيبِينَ إِلَيْهِ ثُمَّ إِذَا أَذَاقَهُمْ مِنْهُ رَحْمَةً إِذَا فَرِيقٌ مِنْهُمْ بِرَبِّهِمْ يُشْرِكُونَ
Kapag nasaling ang mga tao ng isang kapinsalaan ay dumadalangin sila sa Panginoon nila, habang mga nagsisisi sa Kanya. Pagkatapos kapag nagpalasap Siya sa kanila ng isang awa mula sa Kanya, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na sa Panginoon nila ay nagtatambal,
Tafsir
Kapag may dumapo sa mga tagapagtambal na isang kasawiang gaya ng karamdaman o karalitaan o tagtuyot ay dumadalangin sila sa Panginoon nila lamang – kaluwalhatian sa Kanya – habang mga bumabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagsusumamo at pagdulog na ibaling palayo sa kanila ang dumapo sa kanila. Pagkatapos kapag naawa Siya sa kanila sa pamamagitan ng pag-aalis sa dumapo sa kanila, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na bumabalik sa pagtatambal nila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagdalangin.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah