Surah 29 · Juz 20

Al-'Ankabut · 29:5

مَنْ كَانَ يَرْجُو لِقَاءَ اللَّهِ فَإِنَّ أَجَلَ اللَّهِ لَآتٍ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ

Ang sinumang umaasa sa pakikipagkita kay Allāh, tunay na ang taning ni Allāh ay talagang darating. Siya ang Madinigin, ang Maalam.

Tafsir

Ang sinumang umaasa sa pakikipagkita kay Allāh sa Araw ng Pagbangon upang gumantimpala sa kanya ay alamin niya na ang taning na itinalaga ni Allāh para roon ay talagang darating kaagad. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga ginagawa nila. Walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah