Surah 29 · Juz 20
Al-'Ankabut · 29:6
وَمَنْ جَاهَدَ فَإِنَّمَا يُجَاهِدُ لِنَفْسِهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَغَنِيٌّ عَنِ الْعَالَمِينَ
Ang sinumang nakibaka ay nakibaka lamang para sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan sa mga nilalang.
Tafsir
Ang sinumang nakibaka sa sarili niya sa pagbunsod dito sa pagtalima at paglayo sa pagsuway at nakibaka sa landas ni Allāh ay nakibaka lamang para sa sarili niya dahil ang pakinabang doon ay bumabalik sa sarili. Si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sapagkat walang naidadagdag sa Kanya ang pagtalima nila at walang naibabawas sa Kanya ang pagsuway nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah