Surah 29 · Juz 20

Al-'Ankabut · 29:4

أَمْ حَسِبَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ أَنْ يَسْبِقُونَا ۚ سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ

O ipinagpalagay ba ng mga gumagawa ng mga masagwang gawa na makauuna sila sa Amin? Sumagwa ang inihahatol nila.

Tafsir

Bagkus nagpalagay ba ang mga gumagawa ng mga pagsuway gaya ng shirk at iba pa na rito na makapagpawalang-kakayahan sila sa Amin at makaligtas sila mula sa parusa Namin? Pumangit ang hatol nilang inihahatol nila sapagkat sila ay hindi makapagpapawalang-kakayahan kay Allāh ni makaliligtas mula sa parusa Niya kung namatay sila sa kawalang-pananampalataya nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah