Surah 20 · Juz 16
Ta-Ha · 20:127
وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي مَنْ أَسْرَفَ وَلَمْ يُؤْمِنْ بِآيَاتِ رَبِّهِ ۚ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَشَدُّ وَأَبْقَىٰ
Gayon Kami gaganti sa sinumang nagpakalabis at hindi sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon niya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na nananatili.
Tafsir
Tulad ng ganting ito gaganti Kami sa sinumang nagumon sa mga pagnanasang ipinagbabawal at umayaw sa pananampalataya sa mga patunay na maliwanag mula sa Panginoon niya. Talagang ang pagdurusang dulot ni Allāh sa Kabilang-buhay ay higit na karima-rimarim at higit na malakas kaysa sa pamumuhay na hikahos sa Mundo at Barzakh at higit na nagtatagal.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah