Surah 20 · Juz 16
Ta-Ha · 20:128
أَفَلَمْ يَهْدِ لَهُمْ كَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِنَ الْقُرُونِ يَمْشُونَ فِي مَسَاكِنِهِمْ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِأُولِي النُّهَىٰ
Kaya hindi ba nilinaw sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin bago sila kabilang sa mga salinlahi habang naglalakad sila sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may mga katinuan.
Tafsir
Kaya hindi ba luminaw para sa mga tagapagtambal ang dami ng mga kalipunang ipinahamak Namin noong bago nila habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga kalipunang ipinahamak na iyon at napagmamasdan nila ang dumapo sa mga iyon? Tunay na sa dumapo sa maraming kalipunang iyon na kapahamakan at pagkawasak ay talagang may mga maisasaalang-alang para sa mga may mga isip.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah