Surah 20 · Juz 16

Ta-Ha · 20:126

قَالَ كَذَٰلِكَ أَتَتْكَ آيَاتُنَا فَنَسِيتَهَا ۖ وَكَذَٰلِكَ الْيَوْمَ تُنْسَىٰ

Magsasabi Siya: "Gayon dumating sa iyo ang mga tanda Namin at lumimot ka sa mga iyon. Gayon din ngayong araw lilimutin ka."

Tafsir

Magsasabi si Allāh – Napakataas Siya – bilang pagtugon dito: "Tulad niyon ang ginawa mo sa Mundo sapagkat dumating sa iyo ang mga tanda Namin saka umayaw ka sa mga iyon at umiwan ka sa mga iyon. Gayon din, tunay na ikaw ay iiwan ngayong Araw sa pagdurusa."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah