Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:80

وَقَالُوا لَنْ تَمَسَّنَا النَّارُ إِلَّا أَيَّامًا مَعْدُودَةً ۚ قُلْ أَتَّخَذْتُمْ عِنْدَ اللَّهِ عَهْدًا فَلَنْ يُخْلِفَ اللَّهُ عَهْدَهُ ۖ أَمْ تَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ

Nagsasabi sila: "Hindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na mabibilang." Sabihin mo: "Tumanggap ba kayo mula sa ganang kay Allāh ng isang tipan sapagkat hindi sumisira si Allāh sa tipan sa Kanya, o nagsasabi kayo laban kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?"

Tafsir

Nagsabi sila nang pasinungaling at pahibang: "Hindi sasaling sa amin ang Apoy at hindi kami papasok doon maliban sa kakaunting araw." Sabihin mo, O Propeta, sa mga ito: "Nakatanggap kaya kayo hinggil doon ng isang pangakong binigyang-diin mula kay Allāh sapagkat kung nagkaroon kayo niyon, tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa kasunduan sa Kanya; o na kayo ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng isang kasinungalingan at isang kabulaanan na hindi ninyo nalalaman?"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah