Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:79
فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ يَكْتُبُونَ الْكِتَابَ بِأَيْدِيهِمْ ثُمَّ يَقُولُونَ هَٰذَا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ لِيَشْتَرُوا بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۖ فَوَيْلٌ لَهُمْ مِمَّا كَتَبَتْ أَيْدِيهِمْ وَوَيْلٌ لَهُمْ مِمَّا يَكْسِبُونَ
Kaya kapighatian para sa mga sumusulat ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila. Pagkatapos ay nagsasabi silang ito ay mula sa ganang kay Allāh upang magbili sila nito sa isang halagang kakaunti. Kaya kapighatian para sa kanila dahil sa sinulat ng mga kamay nila at kapighatian para sa kanila dahil sa nakakamit nila.
Tafsir
Kaya kapahamakan at pagdurusang matindi ay naghihintay sa mga sumusulat na ito ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila. Pagkatapos nagsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh upang magpalit sila sa katotohanan at pagsunod sa patnubay sa isang halagang kakarampot sa Mundo tulad ng salapi at katungkulan. Kaya kapahamakan at pagdurusang matindi ay ukol sa kanila dahil sa isinulat ng mga kamay nila mula sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh. Kapahamakan at pagdurusang matindi ay ukol sa kanila dahil sa nakakamit nila sa likod niyon na salapi at katungkulan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah