Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:81
بَلَىٰ مَنْ كَسَبَ سَيِّئَةً وَأَحَاطَتْ بِهِ خَطِيئَتُهُ فَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Bagkus, ang mga nagkamit ng isang masagwang gawa at sumaklaw sa kanila ang kamalian nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.
Tafsir
Ang usapin ay hindi gaya ng hinahaka-haka ng mga ito sapagkat tunay na si Allāh ay magpaparusa sa bawat nagkamit ng masagwang gawa ng kawalang-pananampalataya at pumaligid sa kanya ang mga pagkakasala niya mula sa bawat dako. Gaganti Siya sa kanila dahil sa pagpasok sa Impiyerno at pananatili roon bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah