Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:69

قَالُوا ادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّنْ لَنَا مَا لَوْنُهَا ۚ قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ صَفْرَاءُ فَاقِعٌ لَوْنُهَا تَسُرُّ النَّاظِرِينَ

Nagsabi sila: "Dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ang kulay nito." Nagsabi siya: "Tunay na Siya ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na dilaw na matingkad ang kulay nito, na nakagagalak sa mga tumitingin."

Tafsir

Ngunit nagpatuloy sila sa pakikipagtalo nila at pang-iinis nila, na mga nagsasabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Dumalangin ka sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya sa amin kung ano ang kulay nito." Kaya nagsabi sa kanila si Moises: "Tunay na si Allāh ay nagsasabing tunay na ito ay isang bakang dilaw na matindi ang kadilawan, na nagpapahanga sa bawat tumitingin dito."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah