Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:68

قَالُوا ادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّنْ لَنَا مَا هِيَ ۚ قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَا فَارِضٌ وَلَا بِكْرٌ عَوَانٌ بَيْنَ ذَٰلِكَ ۖ فَافْعَلُوا مَا تُؤْمَرُونَ

Nagsabi sila: "Dumalangin ka para amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ito." Nagsabi siya: "Tunay na Siya ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na hindi matanda at hindi dumalaga, katamtaman sa pagitan niyon; kaya gawin ninyo ang ipinag-uutos sa inyo."

Tafsir

Nagsabi sila kay Moises: "Dumalangin ka para amin sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya para sa amin ng katangian ng baka na nag-utos Siya sa amin ng pagkatay niyon." Kaya nagsabi siya sa kanila: "Tunay na si Allāh ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na hindi malaki ang edad at hindi bata, bagkus kalagitnaan sa pagitan niyon; kaya magdali-dali kayo sa pagsunod sa utos ng Panginoon ninyo."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah