Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:67
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ إِنَّ اللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَنْ تَذْبَحُوا بَقَرَةً ۖ قَالُوا أَتَتَّخِذُنَا هُزُوًا ۖ قَالَ أَعُوذُ بِاللَّهِ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْجَاهِلِينَ
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: "Tunay na si Allāh ay nag-utos sa inyo na magkatay kayo ng isang baka." Nagsabi sila: "Gumagawa ka ba sa amin ng isang pagkutya?" Nagsabi siya: "Nagpapakupkop ako kay Allāh na ako ay maging kabilang sa mga mangmang."
Tafsir
Banggitin ninyo: Kabilang sa ulat ng mga nauna sa inyo ang nangyari sa pagitan nila at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kung saan nagpabatid siya sa kanila ng utos ni Allāh para sa kanila na magkatay sila ng isa sa mga baka. Sa halip na magdali-dali, nagsabi sila habang mga nagpapakahirap: "Gumagawa ka ba sa amin bilang tampulan ng pangungutya?" Kaya nagsabi si Moises: "Nagpapakupkop ako kay Allāh na ako ay maging kabilang sa mga nagsisinungaling laban kay Allāh at nangungutya sa mga tao."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah