Surah 2 · Juz 1
Al-Baqarah · 2:70
قَالُوا ادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّنْ لَنَا مَا هِيَ إِنَّ الْبَقَرَ تَشَابَهَ عَلَيْنَا وَإِنَّا إِنْ شَاءَ اللَّهُ لَمُهْتَدُونَ
Nagsabi sila: "Dumalangin ka para amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ito; tunay na ang mga baka ay nagkahawigan sa amin. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, ay talagang mga mapapatnubayan."
Tafsir
Pagkatapos nagpumilit sila sa pang-iinis nila, na mga nagsasabi: "Dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya para sa amin bilang karagdagan sa mga katangian nito dahil ang mga bakang inilarawan sa mga katangiang nabanggit ay marami: hindi kami nakakakaya sa pagtukoy nito mula sa mga iyon," habang mga nagbibigay-diin na sila – kung niloob ni Allāh – ay mga mapapatnubayan tungo sa bakang hinihiling katayin.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah