Surah 2 · Juz 2

Al-Baqarah · 2:209

فَإِنْ زَلَلْتُمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْكُمُ الْبَيِّنَاتُ فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ

Ngunit kung natisod kayo noong matapos dumating sa inyo ang malilinaw na patunay, alamin ninyo na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.

Tafsir

Ngunit kung may naganap mula sa inyo na pagkatisod at paglihis matapos na dumating sa inyo ang mga patunay na maliwanag na walang kalituhan sa mga ito, alamin ninyo na si Allāh ay Makapangyarihan sa kakayahan Niya at pananaig Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya kaya mangamba kayo sa Kanya at gumalang kayo sa Kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah