Surah 2 · Juz 2

Al-Baqarah · 2:210

هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ يَأْتِيَهُمُ اللَّهُ فِي ظُلَلٍ مِنَ الْغَمَامِ وَالْمَلَائِكَةُ وَقُضِيَ الْأَمْرُ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ

Wala silang hinihintay maliban na dumating sa kanila si Allāh na nasa mga lilim ng mga ulap at ang mga anghel at napagpasyahan ang usapin. Tungo kay Allāh panunumbalikin ang mga usapin.

Tafsir

Walang hinihintay itong mga tagsunod sa mga tinatahak ng demonyo, na mga lumilihis sa daan ng katotohanan, maliban pa na pumunta sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon ayon sa pagpunta na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na nasa mga lilim ng mga ulap para humusga sa pagitan nila, at pumunta sa kanila ang mga anghel na nakapaligid sa kanila sa bawat gilid at sa sandaling iyon pagpapasyahan ang hatol ni Allāh sa kanila at tatapusin ito. Tungo kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya lamang – pababalikin ang mga usapin ng mga nilikha at ang mga pumapatungkol sa kanila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah