Surah 2 · Juz 2
Al-Baqarah · 2:208
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا ادْخُلُوا فِي السِّلْمِ كَافَّةً وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ
O mga sumampalataya, pumasok kayo sa Islām nang lubusan at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.
Tafsir
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, magsipasok kayo sa Islām sa kalahatan nito. Huwag kayong mag-iwan mula rito ng anuman gaya ng ginagawa ng mga May Kasulatan na pananampalataya sa isang bahagi ng Kasulatan at kawalang-pananampalataya sa ibang bahagi nito. Huwag kayong sumunod sa mga tinatahak ng demonyo dahil siya para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway at naglalantad nito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah