Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:8

عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يَرْحَمَكُمْ ۚ وَإِنْ عُدْتُمْ عُدْنَا ۘ وَجَعَلْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ حَصِيرًا

Marahil ang Panginoon ninyo ay maawa sa inyo. Kung babalik kayo ay babalik Kami. Gumawa Kami sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang isang kulungan.

Tafsir

Inaasahan ang Panginoon ninyo, O mga anak ni Israel, na maawa sa inyo matapos ng matinding paghihiganting ito, kung magbabalik-loob kayo sa Kanya kayo at magpapaganda kayo ng mga gawain ninyo. Kung babalik kayo sa panggugulo sa ikatlong pagkakataon o higit pa ay babalik Siya sa paghihiganti sa inyo. Gumawa si Allāh sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya bilang higaan at bilang himlayang hindi nila maiiwan-iwan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah