Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:7
إِنْ أَحْسَنْتُمْ أَحْسَنْتُمْ لِأَنْفُسِكُمْ ۖ وَإِنْ أَسَأْتُمْ فَلَهَا ۚ فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ الْآخِرَةِ لِيَسُوءُوا وُجُوهَكُمْ وَلِيَدْخُلُوا الْمَسْجِدَ كَمَا دَخَلُوهُ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَلِيُتَبِّرُوا مَا عَلَوْا تَتْبِيرًا
Kung nagmagandang-gawa kayo ay nagmagandang-gawa kayo para sa mga sarili ninyo at kung nagmasagwang-gawa kayo ay para sa mga ito. Kaya kapag dumating ang pangako ng huli upang magpasagwa sila sa mga mukha ninyo, upang pumasok sila sa Masjid kung paanong pumasok sila sa unang pagkakataon, at upang magwasak sila sa anumang nangibabaw sila ayon sa pagwasak [na lubos].
Tafsir
Kung nagpaganda kayo, O mga anak ni Israel, ng mga gawain ninyo at nagsagawa kayo ng mga ito sa paraang hinihiling, ang gantimpala niyon ay babalik sa inyo sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga gawa ninyo. Kung nagpasagwa kayo ng mga gawain ninyo, ang kahihinatnan niyon ay laban sa inyo sapagkat si Allāh ay hindi nakikinabang sa pagpapaganda ng mga gawa ninyo at hindi napipinsala ng pagpapasagwa ng mga ito. Kaya kapag nangyari ang ikalawang panggugulo ay magpapangibabaw Siya sa inyo ng mga kaaway ninyo upang humiya sila sa inyo. Gagawa sila ng masagwang gawa nang hayagan sa mga mukha ninyo dahil magpapalasap sila sa inyo ng mga uri ng kaabahan upang pumasok sila sa Jerusalem at manira roon gaya ng pagpasok nila roon at pagsira nila roon sa unang pagkakataon, at upang magwasak sila ng nagapi nila na bayan nang buong pagwasak.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah