Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:6
ثُمَّ رَدَدْنَا لَكُمُ الْكَرَّةَ عَلَيْهِمْ وَأَمْدَدْنَاكُمْ بِأَمْوَالٍ وَبَنِينَ وَجَعَلْنَاكُمْ أَكْثَرَ نَفِيرًا
Pagkatapos ay magpapanumbalik Kami sa inyo ng pananaig sa kanila. Mag-aayuda Kami sa inyo ng mga yaman at mga anak. Gagawin Namin kayong higit na marami sa tao.
Tafsir
Pagkatapos magpapanumbalik Kami para sa inyo, O mga anak ni Israel, ng estado at pananaig laban sa nangibabaw sa inyo kapag nagbalik-loob kayo kay Allāh. Mag-aayuda Kami sa inyo ng mga yaman matapos ng pagsamsam sa mga ito at ng mga anak matapos ng pagbihag sa mga ito. Gagawa Kami sa inyo na maging higit na marami sa pagkakatipon kaysa sa mga kaaway ninyo.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah