Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:9
إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَهْدِي لِلَّتِي هِيَ أَقْوَمُ وَيُبَشِّرُ الْمُؤْمِنِينَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ أَجْرًا كَبِيرًا
Tunay na ang Qur’ān na ito ay nagpapatnubay kung anuman ang pinakaangkop at nagbabalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga maayos, na ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki,
Tafsir
Tunay na itong Qur’ān na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay gumagabay sa pinakamaganda sa mga landas, ang landas ng Islām. Nagpapabatid ito sa mga mananampalataya kay Allāh, na mga gumagawa ng mga maayos, hinggil sa nagpapagalak sa kanila: na ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan mula kay Allāh.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah