Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:58
وَإِنْ مِنْ قَرْيَةٍ إِلَّا نَحْنُ مُهْلِكُوهَا قَبْلَ يَوْمِ الْقِيَامَةِ أَوْ مُعَذِّبُوهَا عَذَابًا شَدِيدًا ۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي الْكِتَابِ مَسْطُورًا
Walang anumang pamayanan malibang Kami ay maglilipol nito bago ng Araw ng Pagbangon o magpaparusa roon ng isang pagdurusang matindi. Laging iyon sa talaan ay nakatitik.
Tafsir
Walang anumang pamayanan o lungsod mula sa mga pamayanang tagatangging sumampalataya ang mga naninirahan malibang Kami ay magpapababa rito ng pagdurusa at kapahamakan sa buhay na pangmundo dahilan sa kawalang-pananampalataya nito o susubok dito sa pamamagitan ng isang parusang malakas sa pamamagitan ng pagkapatay o iba pa rito dahilan sa kawalang-pananampalataya nito. Ang pagpapahamak at ang pagdurusang iyon ay isang pagtatadhana rito na nakatala sa Tablerong Pinag-iingatan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah