Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:57
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يَدْعُونَ يَبْتَغُونَ إِلَىٰ رَبِّهِمُ الْوَسِيلَةَ أَيُّهُمْ أَقْرَبُ وَيَرْجُونَ رَحْمَتَهُ وَيَخَافُونَ عَذَابَهُ ۚ إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ كَانَ مَحْذُورًا
Yaong mga dinadalanginan nila ay naghahangad tungo sa Panginoon nila ng pampalapit, kung alin sa kanila ang pinakamalapit, umaasa sa awa Niya, at nangangamba sa pagdurusa mula sa Kanya. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo ay laging pinanghihilakbutan.
Tafsir
Yaong mga dinadalanginan kabilang sa mga anghel at tulad ng mga ito, sila mismo ay naghahangad ng magpapalapit sa kanila tungo kay Allāh gaya ng mabuting gawa, nagtatagisan kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, nag-aasam na maaawa Siya sa kanila, at nangangamba na pagdurusahin Niya sila. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo, O Sugo, ay kabilang sa nararapat na pangilagan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah